Thursday, March 5, 2009

eraserheads

concert na naman ng eraserheads ngayong sabado. may mga nalalaman pa silang "Among the 10,000,000 Filipino fans, only 100,000 can witness it live on March 7" at "This will be the reunion of all reunions as it is said to be Buddy, Ely, Marcus and Raimund’s last performance as the Eraserheads in the country for the next 10 years.." sa totoo lang, pagkatapos kong mapanood yung mga video sa youtube ang concert nila, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko palalampasin ang pangalawang pagkakataon na ito. na pihadong pihado na andodoon ako sa araw na magaganap itong pambihirang kasaysayan lalo nat mukhang pang huli na ito. pero eto na naman ako. ni wala man lang akong tinext (bukod kay joyce) para makipag-usap sa mga makakasama kong manood o kung meron pang tiket. at eto na naman ako, pinalalagpas na naman ang isang pagkakataon.
naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko ito unang beses ginawa. mukhang nakakasanayan ko na ang ganitong pag-uugali na kung susuriin ay hindi nararapat. lagi kong ipinapangako na hindi na mauulit ang kagagahan o ang katamaran pero mukhang dun din nauuwi. kahapon lamang ay may naisulat ako tungkol kay rihanna na kahit anung pasa ng mukha niya ay binalikan pa rin niya ang nobyo niyang nananakit. nakakalungkot kung iisipin pero kung tutuusin, maihahalintulad din ang karamihan sa atin sa kanya, yung umaasang may mababago, magiging okey, pero walang ginagawa. hindi kumikilos.
sana lang hindi ito ang huli ng eraserheads. sana ay mabigyan nila ako ng pagkakataong tuparin ang mga pangako ko.

No comments:

Post a Comment